KAKAIBA | Portable signing machine – naimbento sa Switzerland

57

Switzerland – Isang signing machine na perfect sa mga taong madalas hingan ng authograph ang naimbento ng Swiss watchmaker na si Jacquet Droz.

Nito lang nakaraang buwan nang ilabas ni Droz ang portable signing machine na ginawa niya sa loob ng apat na taon.

May retractable metal arm ito kung saan inilalagay ang ball pen.

Pero para magaya nito ang pirma ng isang tao, kailangan muna itong ibigay sa kompanya para ma-incorporate ito sa design habang ginagawa ang signing machine.

Sakaling mawala o manakaw, hindi rin daw dapat mag-alala ang owner ng pirma dahil hindi ito gagana hangga’t hindi naa-activate ang code na pinili mismo ng may-ari nito.

Nagkakahalaga ng 365,000 dollars ang signing machine na katumbas ng tumataginting na 18.9 million pesos!

Facebook Comments