KAKAIBANG HAIRSTYLE | Face sculpture ni US President Trump, patok sa Taiwan

29

Taiwan – Click na click ngayon ang video ng isang hindi nakilalang lalaki sa Taiwan dahil sa hairstyle nito bilang tribute kay US President Donald Trump.

Sa video, mismong ang hairstylist na si Allen Chen ang siyang gumawa ng face sculpture ni Trump sa likurang bahagi ng buhok ng naturang lalaki.

Kinuluyan pa niya ng blond ang ibabaw na parte ng buhok nito para mas lalo daw maging kamukha ni trump kung sana inabot pa ng mahigit isang oras bago ito natapos.

Nabatid na minsan na din nakilala ang XB hair salon dahil sa mga unique at nakakatuwang hair sculpture nito sa kanilang kliyente at kabilang nga sa mga gawa nito ay ang mukha ni Marilyn Monroe, Leonardo Da Vinci’s “Mona Lisa” at Mickey Mouse.

Facebook Comments