KAKAIBANG LAKAS | World record para sa most consecutive pinky pull ups, nasungkit ng isang lalaki sa Italy

Italy – Hinahangaan ngayon ang isang lalaki sa Italy matapos nitong makuha ang record sa most consecutive pinky pull ups.

Sinasabing naka-23 times ang Italian exercise enthusiast na si Tazio Gavioli dahilan para ma-break nito ang previous record na 16 na nakuha noong 2014 ni Maibam Itomba Meitei ng India.

Nabatid na inspirasyon daw ni Tazio sa pagkuha ng record ang kaniyang pusa na si Kali na nasawi sa aksidente.


Kaya at dahil dito, ipinangako niya sa sarili na gagawa pa at kukuha ng mga panibagong record bilang pag-alala sa nawala niyang alaga.

Facebook Comments