KAKASUHAN | Dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, maghahain ng reklamo laban kay Sen. Antonio Trillanes IV

43

Manila, Philippines – Kakasuhan ng kriminal at sibil ni Presidential son Paolo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos siyang isangkot ni Trillanes sa P6.5 billion na halaga ng smuggled na shabu na nakalusot din sa Bureau of Customs O BOC.

Giit ni Pulong, kakasuhan niya si Trillanes dahil sa malisyoso nitong pagwasak sa kaniyang pangalan, reputasyon at integridad at sa mga gawa-gawang alegasyon nito at pagpapakalat ng black propaganda.

Matatandaang sa Senate hearing, ipinakita ni si Trillanes ang isang larawan kung saan magkasama sina Paolo at Kenneth Dong na siya umanong nagsilbing middle man sa multi-billion peso shabu scam.

Sinabi rin ni Trillanes na ang tattoo ni Pulong ay patunay na bahagi ito ng international crime syndicate.

Facebook Comments