KAKASUHAN | Pacquiao idedemanda si Arum!

2480

Nakatakdang sampahan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang dating padrino nitong si Bob Arum.

Ayon kay Pacman, idedemanda niya si Arum na may-ari ng Top Rank Promotions dahil sa hindi umano nito pagbabayad sa kaniya ng kaniyang porsiyento sa TV rights ng kaniyang laban kay Argentinian Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa kontrata kasi, nakasaad na dapat bayaran si Pacman ni Arum ng 85% ng kinita sa pagpapalabas sa TV ng laban nila ni Matthysse sa Amerika, Canada at Puerto Rico.

Pero hanggang ngayon, walang nakukuhang bayad ang Team Pacquiao mula sa Top Rank.

Bukod kay Arum, ilan lang mga matataas na opisyal ng Top Rank ang isasama ng senador sa kaniyang reklamo.

Facebook Comments