KAKASUHAN | PCOO Usec Joel Egco, nahaharap sa patung-patong na mga reklamo sa Office of the Ombudsman

40

Manila, Philippines – Nahaharap sa patung-patong na reklamo sa Office of the Ombudsman si Presidential Communications Operations Office Undersecretary Joel Egco.

Si Egco ay inireklamo ng online libel, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials at paglabag sa mandato ng kaniyang opisina.

Basehan ng reklamo ni Joel Amongo, pangulo ng “DILG-NAPOLCOM Press Club”, ang mga post ni Egco, na pinuno rin ng presidential task force on media, sa social media ay nanlalait sa grupo nila.

Tinawag rin aniyang “Hao-Shiao” o pekeng mamamahayag ni Egco ang grupo nila.

Giit pa ni Amongo, sa halip na proteksyunan sila ng opisyal na bahagi ng mandato niya ay ito pa ang nangunguna sa panggigipit sa kanila.

Facebook Comments