KAKAUSAPIN | Customs Commissioner, magrereport Kay Secretary Medialdea kaugnay sa nakalusot na iligal na droga sa BOC

Manila, Philippines – Kakausapin ngayon ni Customs Commissioner Isidro Lapena si Executive Secretary Salvador Medialdea para magbigay ng update sa insidente ng pagkakalusot ng bilyon bilyong pisong halaga ng Shabu sa Bureau of Customs.

Nabatid na matapos ang pagamin kahapon ni LapeƱa na naniniwala na siya na mayroong lamang Shabu ang 4 na magnetic lifters ay hindi pa sila naguusap ni Pangulong Rodrigo Duterte na una nang nanindigan naman na walang lamang droga ang mga magnetic lifters na ibinase din namang ng Pangulo sa una nang naging pahayag ni LapeƱa.

Ayon kay LapeƱa, hindi pa niya nakakausap si Pangulong Duterte pero magrereport naman aniya siya kay Secretary Medialdea pra sabihin na naniniwala na siya na mayroong lamang iligal na droga ang mga nakitang magnetic lifters sa GMA Cavite.


Una nang sinabi ni LapeƱa na hindi siya magbibitiw sa posisyon dahil mayroong marching order sa kanya si Pangulong Duterte tuldukan ang katiwalian at pataasing ang kita ng BOC at sa ngayon ay marami pa siyang kailangang gawin sa Customs.

Facebook Comments