Bubuksan para sa mga young artists ng Dagupan City ang isang Art Workshop ngayong darating na June 12, 2025.
Layon nitong linangin ang kakayahan ng mga batang Dagupeños na may hilig, interes at galing sa malikhaing aspeto.
Ilulunsad ang naturang aktibidad sa Teen Center na matatagpuan sa Brgy. Poblacion Oeste kung saan, magkakaroon ng dalawang batch ang mga kalahok.
Para sa unang batch, magsisimula ito mula alas otso ng umaga hanggang alas onse, habang sa ikalawang batch naman ay mula alas dos hanggang alas singko ng hapon.
Makakasama ang ilang mga talentadong artists sa lungsod na silang tutulong sa paghubog sa mga ‘next generation artists’ ng Dagupan City.
Bukas naman ang art workshop sa lahat ng elementary students ng siyudad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments