Kakulangan sa pasilidad, dahilan ng kanselasyon ng hosting ng Pilipinas sa Sea Games 2019

Manila, Philippines – Inamin ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez na ang kakulangan sa pasilidad ang dahilan kaya hindi na matutuloy ang hosting ng Pilipinas sa South East Asian Games sa 2019.

Sabi ni Ramirez, balak sanang isagawa ang sea games sa Clark Green City Sa Capas, Tarlac pero hindi na aniya kayang ihabol ang mga kakailanganing pasilidad para rito.

Mahirap na rin aniyang ayusin ang Rizal Memorial Sports Complex na naitayo 90 taon na ang nakalilipas.
Kaya gagamitin na lang aniya ang P500 million para sa pagtatayo ng sports facilities sa mga mahihirap na lugar gaya ng Caraga, Sarangani at Cordillera.


Facebook Comments