KALABOSO | 12 drug suspek, arestado sa buy-bust operation sa Pasay

52

Pasay City – Arestado ang labindalawang drug suspek sa buy-bust operation ng Pasay City Police kaninang madaling araw.

Kabilang sa nahuli ang hinihinalang source ng shabu sa lugar na si Jacqueline Reyes.

Itinanggi ni Reyes na siya ang source ng iligal na droga pero aminadong gumagamit siya nito.

Nasabat sa mga suspek ang limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang-milyong piso, mga drug paraphernalia at isang 9mm pistol.

Sinampahan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments