KALABOSO | 13, huli habang nagpa-pot session sa Cavite

18

Bacoor, Cavite – Arestado ang 13-katao matapos maaktuhan nagpa-pot session sa loob ng isang subdivision sa Barangay Habay I sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa Bacoor City Police, matagal nang inirereklamo ng barangay ang tungkol sa kahina-hinalang kilos ng mga taong pumupunta sa nasabing lugar.

Nakuha mula sa mga suspek ang ilang mga sachet ng shabu na tinatayang aabot sa P350,000 ang halaga kung saan nakumpiska din ang dalawang baril na kargado ng mga bala.

Nabatid na ang hindi na pinangalanang mag-live-in partner na may-ari ng bahay ay dati nang nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments