KALABOSO | 2 babae arestado matapos mahulihan ng iligal na droga sa Sampaloc Maynila

Manila, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng dalawang babae matapos mahulihan ng shabu sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Maria Flor Hortilano, 18-anyos, isang therapist at Flordilina Eullaran, 59-anyos, isang vendor.

Ayon sa MPD Station 4, nagsagawa sila ng Anti-Criminality Patrol/Operation sa Quezon Boulevard malapit sa kanto ng P. Paredes Street kung saan nilapitan nila ang mga suspek na kahina-hinala ang kilos.


Nang usasin ang bitbit na bag, dito na nakita ang isang pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Aminado naman ang dalawa na gumagamit sila ng iligal na droga pero mariin itinanggi na nagbebenta sila nito.

Facebook Comments