KALABOSO | 2 hinihinalang tulak ng ilegal na droga huli sa buy-bust operation sa Maynila

64

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Jose Abad Santos Police Station Police Station 7 ang dalawang hinihinalang pusher matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa 992 Int. 5 Morong Street Tondo, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Conrado Rocha 37-anyos residente ng No. 992 Int 5 Morong Street Tondo Manila at Khrisna Moral 37 anyos residente naman sa No. 992 Int 5 Morong Street Tondo Manila.


Ayon kay PO1 Reyna Joy Ofalsa nagpanggap na bibili ng shabu ang isa kanilang mga kasamahang pulis at nang iaabot na ang halagang dalawang daang pisong mark money ay agad na hinuli ng mga tauhan ng MPD ang mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang tatlong plastik sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa Section 26 in relation to Section 5 at 11 Article II RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers