KALABOSO | 2 huli sa buy-bust operation sa QC

Quezon City – Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rodel Reyes, alyas Nonong, 26-anyos at residente ng Neo Road, Barangay Pinyahan.

Habang ang isa pang suspek ay si Dipol Furunda alyas Dimple, 28-anyos at residente ng Sto. San Roque, Barangay Bagong Pag-asa.


Nakuha sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng halos dalawang libong piso at limang daang pisong buy-bust money.

Nahaharap ang dalawang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments