KALABOSO | 2 huli sa buy-bust sa QC

Quezon City – Timbog ang 2 drug suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Aurora Boulevard Barangay E. Rodriquez, Cubao Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ella pallermo 25-anyos at Ibrahim Firdaus Abbas 39-anyos kapwa walang trabaho.

Ayon kay Police Senior Inspector Ramon Aquitan hepe ng drug enforcement unit ng QCPD Station 7, nakipagkita ang mga suspek sa nabanggit na lugar ala una 30 ng madaling araw.


Nakabili sila ng 500 pesos na halaga ng shabu sa mga suspek.

Matapos maaresto nakumpiska pa ng mga otoridad ang 10 pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Section 5 at 11 ng R.A 9165 ang isasampang kaso sa mga arestadong suspek.

Facebook Comments