KALABOSO | 3, arestado sa buy-bust operation sa QC

36

Quezon City – Arestado tatlo indibiduwal sa drug buy-bust operation ng mga otoridada sa Barangay San Roque sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang mga drug suspek na sina Dennis Galvan, isang drug surrenderee; Edwin Porte at Michael Galvan.

Ikinasa ng QCPD Station 7 ang buy-bust operation sa loob mismo ng bahay ng pangunahing target na si Dennis Galvan.

Doon nila naabutan ang dalawa pang suspek sa kalagitnaan ng pot session.

Narekober mula sa mga suspek ang 14 na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang gamit na sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments