KALABOSO | 3 suspek sa pambubugaw ng 8 babae, arestado sa Pampanga

51

Pampanga – Kalaboso ang tatlong lalaki matapos mambugaw ng walong kababaihan sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat, ikinasa ang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan naaresto ang mga suspek na sina Jeffrey Becaylas, Kier Rome at Justine Lumanlan.


Nabatid na ipinagbili nila ang mga dalaga, kabilang na ang isang menor de edad sa halagang P24,000 kapalit ng pakikipagtalik.

Modus ng tatlo na gumamit ng facebook account para maghanap ng customer at napag-alaman na mahigit 50 kababaihan na ang kanilang ibinubugaw.

Facebook Comments

From Advertisers