KALABOSO | 4 estudyante, arestado sa ikinasang buy bust operation sa Maynila

14

Manila, Philippines – Hinuli ang apat na estudyante sa ikinasang buy bust operation sa Recto Avenue, lungsod ng Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Richmond, alyas Ryan, alyas Miguel, at alyas Tonyboy na pawang may mga edad 18 hanggang 20.

Nakumpiska sa mga ito ang dalawang bloke na may bigat na tig-isang kilong marijuana na nagkakahalaga ng ₱240,000.

Kakulangan ng kanilang perang pambayad sa eskwelahan ang dahilan ng mga suspek para pumasok sa bentahan ng marijuana.

Mahaharap ang mga ito ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.

Facebook Comments