KALABOSO | 6 na drug suspek arestado sa buy bust operation sa Cainta Rizal, isang pulis naman sugatan

70

Manila, Philippines – Arestado ang anim na drug suspek habang sugatan ang isang pulis matapos ang naganap na barilan sa ikinasang buy bust operafion ng Cainta Municipal Police Station.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Director 3:30 ng madaling aarw kanina nang isagawa ang buy bust operation sa Brgy San Andres Cainta Rizal.

Sa inisyal na ulat habang nakikipagtransaksyon ang poseur buyer sa mga suspek nang makatunog ang mga drug suspek na sila ay nakikipagusap sa mga pulis ay bigla na lamang sumulpot ang isang suspek na nakamotorsiklo at pinagbabaril ang mga pulis.

Dahil dito nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kaliwang hita ang isang pulis na kinilalang si Police Officer 3, Allan Sinampan.

Hindi naman nakaganti ng putok ang mga pulis sa mga suspek dahil sa takot na madamay ang sibilyan sa lugar.
Pero naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Joenard Borja, John Carlos Vertudez, Oscar Litab, Mark Renniel, Fabby Lora at Gemma Oliva habang isa naman ang nakatakas.

Narekober naman mula sa mga suspek ang walong gramo ng shabu na umaabot ang halaga sa 40 libong piso.

Facebook Comments