KALABOSO | Bodyguard ni Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot, arestado matapos mahulihan ng dalawang hindi lisensyadong baril

92

Cebu City – Arestado ang sinasabing bodyguard ni Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot matapos na makuhanan ng dalawang hindi lisensyadong baril sa Barangay Malingin.

Nakilala ang nadakip na si Retired Police Inspector Jose Dupay kung saan kaniya idinisplay ang dalawang calibre .45 na baril na kargado ng bala.

Nabatid na isang sumbong ang natanggap ng mga pulis hinggil sa ginagawang paglilinis ng suspek ng kaniyang mga baril sa labas ng kanilang bahay pero wala naman itong kaukulang dokumento.

Nahaharap ngayon si Dupay sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Facebook Comments