KALABOSO | Construction worker na nahaharap sa kasong rape, arestado sa Santiago City

Santiago City – Arestado ang isang construction worker na nahaharap sa kasong rape.

Nakilala ang nadakip na si Mark Anthony Soriano, 19-anyos na residente ng Rizal, Santiago City.

Nasakote ang suspek sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Quirino, Provincial Intelligence Branch at Diffun Police Station.


Ilang buwan din pinaghahanap ang suspek matapos nitong gahasain ang isang menor de edad kung saan nakatakas lamang ang dalagita nang pumasok ito sa trabaho.

Facebook Comments