KALABOSO | Dalawang airport police – Huli sa pangongotong sa mga taxi driver sa NAIA

55

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang airport police dahil sa pangongotong sa mga driver ng taxi sa NAIA terminal 2.

Kinilala ang mga suspek na sina PO1 Pablo Atayde Jr. At PO1 Danilo Levite Jr.

Sa entrapment operation, huli sa aktong pagtanggap ng marked money ang dalawa mula sa mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force na nagpanggap na taxi driver.

Ikinasa ang operasyon kasunod na rin ng mga natatanggap nilang text messages kung saan inirereklamo ng pangongotong ng dalawang pulis.

Nabatid na wala sa hurisdiksyon ng PNP ang dalawang airport police na ang may hawak ay ang pamunuan ng Manila International Airport Authority.

Facebook Comments