KALABOSO | Dalawang babae, arestado sa buy-bust operation sa Makati City

24

Makati City – Hindi na nakapalag pa ang dalawang babaeng drug suspek matapos kumagat sa ikinasang buy-bust operation sa J.B. Roxas Street, Makati City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Nineta Nayve at Belinda Torres na kapwa residente ng Barangay Olympia.

Matapos maiabot ang P200.00 na mark money, agad na kinorner ng mga otoridad ang mga suspek kung saan napaluha na lamang sila sa nangyari lalo na at nakuha pa sa kanila ang tatlong sachet ng shabu.

Aminado sina Nayve at Torres sa kanilang nagawa saka sinabing first time lang daw nila magbenta ng iligal na droga pero nakalaboso pa.

Facebook Comments