KALABOSO | Higit 50 drug suspek huli sa operasyon sa QC

24

Quezon City – Timbog ang nasa 55 drug suspek kabilang ang isang menor de edad sa kinasang operation ng PDEA at Cubao Police Station sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-Asa, Quezon City.

Kabilang sa naaresto ang target sa operasyon na dalawang lalaki at dalawang babae.

Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent Joselito Esquivel, unang pinuntahan ang drug den sa Libra Street kung saan isinagawa ang buy-bust operation.

Naaresto ang nasa 20 drug suspek habang tumakbo ang iba sa bahay bahay.

Sa kakahabulan ng mga operatiba nadiskubre pa ang ibang drug den matapos magtago doon ang iba pang suspek.

Sumatotal 55 na tao ang kanilang naaresto kabilang ang isang 17 anyos.

32 pakete at 3 medium size na pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa operasyon.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampang kaso sa mga naaresto habang sa DSWD dadalhin ang menor de edad na nahuli sa drug den.

Facebook Comments