KALABOSO | Hinihinalaang drug pusher, arestado sa Mandaluyong City

12

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Mandaluyong City Police Station ang isang hinihinalang tulak sa iligal na droga matapos na magsagawa ng buy bust operation sa San Francisco St. Brgy. Hulo, Mandaluyong City.

Nakilala ang suspek na si Roel Santos 52. Anyos, residente ng #669 Coronado St Brgy Hulo Mandaluyong City.

Ayon kay P/Sr. Inspector Oliver Benald nagpanggap na bibili ng shabu ang kanyang mga tauhan sa halagang Php300 at nang iabot na ng mga pulis naturang mark money sa suspek aya agad inaresto si Santos kung saan nakarekober ang pulisya ng limang pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang idinampa ng pulisya laban sa suspek.

Facebook Comments