KALABOSO | Isa sa mataas na lider ng NPA at 4 pang miyembro, arestado sa Northern Samar

1021

Northern Samar – Naaresto ng tropa ng militar ang isa sa pinakamataas na lider ng teroristang New Peoples Army (NPA) at apat pang miyembro ng NPA sa Northern Samar.

Ayon kay Captain Rayann Velez tagapagsalita ng 8th Infantry Division ng Philippine Army alas-4:30 ng hapon kahapon ng madakip ang mga teroristang NPA.

Kinilala ang naarestong lider na si Marieta Bartolo ang Front Secretary ng Metro 1, Sub-regional Committee Emporium.

Ang Metro 1, Sub-regional Committee Emporium ay nago-operate sa mga munisipyo ng Pambujan, San Roque, Silvino Lobos, Las Navas, Mondragon at Catarman sa Northern Samar.

Kinilala naman ang mga naarestong mga miyembro na sina Ruth Martirez Figueroa, Bayan Muna President-Northern Samar ang kasalukuyang Barangay Chairwoman ng University ng Eastern Philippines; Eboy Loberiano alyas Bagyo at Gil Martirez.

Si Bartolo alyas Tayang ay may warrant of arrest na kinakaharap dahil sa kasong frustrated murder.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang tatlong kalibre at isang Glock 9mm pistol.

Nakuha pa ang 12 envelops na may tig-30,000 pesos na laman at iba pang mahahalagang dokumento.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Northern Samar Provincial Police Office ang mga suspek.

Facebook Comments