KALABOSO | Isang security guard, arestado sa pagnanakaw sa Boracay

Aklan – Arestado ang isang security guard matapos magnakaw sa isang htoel sa Barangay Balabag, isla ng Boracay.

Nakilala ang suspek na si Adrian Barce, 25-anyos at residente ng Barangay San Ramon, Pilar, Capiz.

Ninakaw ng suspek ang perang P3,000 habang natutulog ang biktimang isang Chinese national sa lobby ng hotel.
Agad namang nasakote ang suspek sa follow-up operation kung saan huli sa CCTV ang ginawa nitong pagnanakaw.


Facebook Comments