KALABOSO | Komedyanteng si Kuhol, arestado dahil umano sa pangmomolestsya sa sariling inaanak

111

Quezon City – Arestado ang dating komedyanteng si Philip ‘Kuhol’ Supnet matapos molestyahin ang kanyang 10-taong gulang na inaanak sa Barangay Fairview, Quezon City.

Nagpa-load ang biktima sa tindahan ng suspek nang biglang siyang hinalikan sa labi.

Agad nagsumbong ang bata sa magulang at nagpatawag ng pulis.

Aminado si Supnet sa kanyang nagawa at humihingi ito ng tawad.

Desidido ang mga magulang ng biktima na kasuhan ang suspek ng paglabag sa Anti-Child Abuse Law.

Facebook Comments