KALABOSO | Lalaki, nagnakaw ng biik sa Valenzuela City

21

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos na magnakaw ng isang biik sa Barangay Ugong, Valenzuela City,

Nakilala ang suspek na si Ronald delos Santos, 23 taong gulang na residente ng parehong lugar,

Ayon sa may-ari ng biik na si Alejandro Espiritu, dadalawin lamang sana niya ang kanyang mga alagang baboy sa isang bakanteng lote sa lamesa street, nang makasalubong niya ang suspek na may dalawang sako na tila may gumagalaw sa loob,

Dahil rito ay agad niyang binilang ang kanyang mga alagang baboy at dito na napag-alaman na kulang ng isa ang kanyang mga biik,

Agad naman nitong sinundad at nahuli ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Facebook Comments