KALABOSO | Mahigit P1-M halaga ng shabu, kumpiskado sa Maynila

51

Manila, Philippines – Mahigit isang milyong piso ang nakumpiska ng mga tauhan ng Station 3 ng MPD sa isa hinihinalaang drug pusher sa Sta. Mesa Maynila.

Nakilala ang suspek na si Sigair Mamarinta 20-anyos tricycle driver at residente ng Center Golden Mosque, Quiapo Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel nagpanggap na bibili ng shabu ang mga operatiba ng Station 3 ng MPD at nang iaabot na ng pulis ang mark money sa suspek ay agad na dinakma ang naturang suspek sa Pureza Street, corner RM Boulevard Sta. Mesa, Maynila.

Nakumpiska sa kanya ang 230 grams na tinatayang nasa 1.5 million.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng MPD laban sa suspek.

Facebook Comments