KALABOSO | Pulis, arestado matapos mangotong sa mga driver ng UV Express at Habal-Habal sa Pasig City

110

Pasig – Inaresto ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force ang isang pulis matapos maaktuhang nangongong sa mga drayber sa Lucky Gold terminal sa Rosario, Pasig City.

Kinilala ang naarestong pulis na si Senior Police Officer 1 Adonis Corpuz nakatalaga sa Traffic Management Unit (TMU), Eastern Police District (EPD).

Ayon kay PNP CITF Spokesperson Police Chief Inspector Jewel Nicanor alas 8:30 ng umaga kanina nang isagawa ang entrapment operation laban sa pulis sa isang convenience store sa Rosario Pasig City.

Dinakip ito matapos na tanggapin ang isang libong pisong marked money mula sa isang mga nagrereklamo.

Batay sa reklamo ng isa sa mga complainant na si Claudio Homicillda, isang Terminal Dispatcher, nagongolekta si SPO1 Corpuz ng tig isang libong piso sa bawat UV Express driver kada a kinse at katapusan ng buwan bilang protection money umano.

Bukod rito nangongolekta rin ito ng tig 500 piso sa mga habal-habal drayber kada linggo.

Sa ngayon nasa kustodiya na nang PNP CITF ang pulis at nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Facebook Comments