KALABOSO | Re–elected Barangay Captain, arestado sa search warrant operation ng PDEA

30

North Cotabato – Kalaboso ang isang re-elected Barangay Captain kasabay ng isinagawang Search Warrant operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office -12 sa Purok Narra, Barangay Malasila, Makilala, North Cotabato, dalawang araw matapos ang Barangay at SK election.

Kinilala ang suspek na si Re–elected Bgy. Captain Melvin Fortajada, 48, residenti ng Barangay Malasila, bayan ng Makilala.

Nakuha ng PDEA sa bahay ng nasabing Barangay Chairman ang ibat-ibang Drug Paraphernalia, tatlong gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱20,400.00 at mga bala ng Caliber. 45.

Si Fortajada ay kasama sa Drug Watchlist ng PDEA-12 at kino-konsiderang high Value Target.

Kasong paglabag sa Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drugs) Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 ang isasampa ng PDEA-12 laban sa suspek na nakakulong ngayon sa lock-up cell ng PDEA-12.

Facebook Comments