KALABOSO | Supplier ng party drugs, arestado sa San Juan City

44

San Juan City – Arestado ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation sa San Juan City.

Kinilala ang suspek na si Ireneo Faraon III na nasa drug watchlist ng pulisya.

Sa ulat, isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek sa Barangay Ermitano kung saan kilala si Faraon na isa mga nagbebenta ng mga iligal na droga sa kanilang lugar.

Nakuha sa suspek ang isang motorsiklo na walang plaka, tatlong transparent plastic sachet na may laman na ecstasy tablet at P500 marked money.

Napag-alaman pa na ang suspek ay supplier ng mga droga sa isang club sa Quezon City ngunit tumanggi itong pangalanan ang kaniyang source ng ecstasy.

Facebook Comments