KALABOSO | Tatlo, arestado sa buy-bust operation sa Tacloban City

19

Tacloban City – Kulong ang tatlong kalalakihan matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region-8.

Kinilala ang mga suspek na sina Manuel Marcos, Elmer Marcos at Dante Gumata na pawang mga residente ng Tacloban City.

Nabili at nakumpiska sa mga suspek ang walong plastik na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P183,600.00 at mga drug paraphernalia.

Nakakulong na ang tatlong suspek at inaalam na kung sino ang source ng mga ito ng iligal na droga.

Facebook Comments