KALABOSO | Tatlong babaeng dalaw sa Cebu City Jail, arestado sa tangkang pagpuslit ng droga

105

Cebu City – Kalaboso ang tatlong babaeng dalaw sa Cebu City Jail matapos magtangkang magpuslit ng mga ilegal na droga na inilagay nila sa kanilang ari.

Ayon kay Cebu City Jail Warden Renante Rubio, bibisita sana ang tatlo sa male dormitory pero nang isagawa na ang mandatory inspection sa mga dalaw, dito na nakitang ang mga ito ang ilegal na droga sa kanilang ari.

Aniya, inamin ng mga suspek na binayaran sila para ipasok ang mga kontrabando pero hindi pa nila alam kung sino ang nag-utos sa mga ito.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drug Act ang mga suspek.

Facebook Comments