KALABOSO | Top 5 Most Wanted Person ng EPD, arestado

13

Pangasinan – Naaresto na sa Pangasinan ang top 5 most wanted person ng Eastern Police District (EPD).

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Judge Gregorio Vega Jr. ng Regional Trial Court Branch 152 ng Pasig City, naaresto ang 34 anyos na si Froilan Soriano.

Si Soriano ay suspect sa pagpatay sa 24 anyos na si Jordan Clerigo noong October 21, 2013 sa mapayapa compound, F Manalo St., Barangay Sto. Thomas, Pasig City, dahil sa matiding galit nito sa biktima.

Hindi naman na pumalag pa ang suspek nang masakote ito ng mga pulis at aminado din siya sa nagawang krimen.

Facebook Comments