KALABOSO | Top 9 most wanted person sa Zamboanga City, arestado

25

Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki na itinuturing na top 9 most wanted person sa Zamboanga City.

Nakilala ang nadakip na si Diego Salazar, 36-anyos na nasakote sa Sitio Basagan, Barangay Curuan.

Si Salazar ay warrant of arrest sa kasong attempted murder noong Januray 31, 2018.

Aabot sa P120,000 ang itinakdang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito kung saan kasalukuyan siyang nananatili sa Zamboanga City Police Station-3.

Facebook Comments