KALABOSO | Trusted aide ni Isnilon Hapilon, arestado sa Jolo, Sulu

Sulu – Naaresto ng mga otoridad sa Jolo, Sulu ang sub-leader ng Abu Sayyaf Group at trusted aide ng napatay na emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde, naaresto si Hashim Abtain alias Abu Imam noong May 19 sa Barangay Walled City, Jolo nang pinagsanib na pwersa ng regional intelligence unit region 9 ng PNP Intelligence Group, Special Action Force (SAF), Sulu Provincial Police Office at Philippine Army’s 501st Brigade.

Aniya, si Abtain ay nahaharap sa pitong magkahiwalay na criminal cases dahil sa pandudukot at serious illegal detention.


Subject rin aniya si Abtain ng warrant of arrest dahil sa pagkakadawit sa kidnapping ng 15 manggagawa ng golden harvest plantation sa Barangay Tairan, Lantawan, Basilan Province noong June 11, 2001.

Dawit rin si Abtain sa pamumugot ng ulo sa isang army personnel sa Lower Manggas at Makiri, Isabela City sa Basilan noong 2001 maging sa pagpugot sa ulo ng Certain Falcasantos at Crisosto Suela at pag-raid sa isang resort sa Sipadan, Malaysia.

Facebook Comments