Kalagayan ng impersonator ni Black Jack na si Mo Jack sa gitna ng pandemya, alamin!

39

Sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa, ilang personalidad pa rin ang gumagawa ng paraan para kumita ng pera sa pamamagitan ng pagpasok sa vlogging world at online shopping.

Isa na rito ang komedyante, singer at host na si Mo Jack na kilalang impersonator ng pumanaw na komedyante at singer na si Black Jack.

Sa interview ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ng RMN Manila, sinabi ni Mo Jack na lalong mas tumibay ang kaniyang loob na humarap sa pagsubok ng buhay.

Kapiling niya ang dalawang anak ni Black Jack na iniwan sa kaniyang pangangalaga magmula nang ito ay pumanaw.

Si Mo Jack ay nakilala sa kanyang mga larangan na humakot ng mga award tulad ng 2007 Most Outstanding Stand-Up Comedian, 2014 Most Outstanding Stand-Up Comedian Artist and Host at Best Novelty Singer of the Year 2020.

Facebook Comments