Kalagayan ng mga presong nabiktima ng food poisoning, pinababantayan ng DOJ Secretary

Manila, Philippines – Mahigpit na pinamo-monitor ni Justice Sec. Vitalliano Aguirre ang kalagayan ng mga bilanggo ng New Bilibid Prisons na naapektuhan ng food poisoning nitong weekend.

Kabilang dito ang isang nakatatandang bilanggo na nasa kritikal na kundisyon at dati nang may karamdaman.

Sa 910 na nalason na mga bilanggo, anim na raan sa kanila ang isinugod sa pagamutan.


Sa ngayon,limamput siyam pang mga bilanggo ang naka confine sa ospital.

Ini-imbestigahan na ngayon ang sanhi ng food poisoning bagamat pinaniniwalaang dahil ito sa kinain na bangus ng mga preso.

Nagbigay na rin ng tulong-pinansyal ang supplier ng pagkain para sa mga naapektuhang bilanggo.
DZXL558

Facebook Comments