Kalahati sa 500 libong security guards sa bansa may hawak na pekeng lisenya ayon sa PNP

Kinumpirma ni Civil Security Group Director Police Major General Roberto Fajardo na nasa kalahati ng bilang ng mga Security Guards sa bansa ay may hawak na pekeng lisensya bilang security guard.

 

Ginawa ni Fajardo ang kumpirmasyon matapos ang isinagawang launching  ng Online Application ng lisensya ng mga Security Guards sa ilalim ng Security Licenses Data Integration and Generation System ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o SOSIA.

 

Ayon kay Fajardo, kinausap na niya ang Director ng CIDG na Si Police Brig Gen Joel Coronel para imbestigahan ang kanyang nadiskubre.


 

Sa report ay nasa 500, 000 umano ang mga Security Guards sa bansa pero kalahati lamang nito ang nasa Database ng PNP CSG SOSIA.

 

Malaking halaga umano ang hindi pumapasok sa kaban ng bayan dahil sa katiwalian sa SOSIA dahil sa mga pekeng lisensya ng mga gwardya.

 

Umaasa si Fajardo na ngayon na magiging online na ang Application ay mababawasan ang katiwalian sa ahensya.

Facebook Comments