Kalamangan sa best of five ng semifinals ng PBA Philippine Cup, nakuha ng Barangay Ginebra kontra Meralco Bolts

34

Tinalo ng Barangay Ginebra ang Meralco Bolts sa score na 91-84 para makuha ang 2-1 na kalamangan sa best of five semifinals ng PBA Philippine Cup.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Stanley Pringle na nakapagtala ng 23 points habang mayroong 15 points si Prince Caperal at 12 points naman ang naiambag ni LA Tenorio.


Nabatid na simula pa lamang ng laro ay hindi na hinayaan ng Ginebra na makalamang ang Bolts.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, naging tama ang ibinigay nilang trabaho para kay Pringle dahil tinapos at ginawa nito ang lahat ng makakaya para maipanalo ang laro.

Facebook Comments