Siniguro ng pamunuan ng PAMANA Water District Dagupan City ang kalinisan o ang pagiging potable ng kanilang isinusuplay na tubig sa lungsod sa kabila ng nararanasang mainit na panahon.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay PAMANA Dagupan, Spokesperson, Ms. Margarita Navata, regular umano ang isinasagawa nilang testing sa mga linya na kanilang sinusuplayan.
Aniya, mayroon pa rin umano silang natatanggap na reklamo ukol sa mabuhanging tubig dahil hindi umano talaga ito mapipigilan.
Siniguro naman ng tanggapan ang kanilang agarang pagresponde sa mga naturang reklamo sa pamamagitan ng flushing upang hindi lubhang maapektuhan ang kanilang mga consumers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments