
Pinatitiyak ni Senator Sherwin Gatchalian ang kaligtasan ng mga buntis ngayong sobrang init ng panahon.
Batay ito sa pagaaral na ginawa ng Climate Central kung saan nasa pang-siyam na pwesto ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na delikado para sa mga nagbubuntis bunsod ng sobrang init.
Iginiit ni Gatchalian na kasama dapat sa pagtugon sa climate change ang pagbibigay proteksyon sa mga buntis lalo na ang mga nasa mahihirap na komunidad.
Maaari aniyang maging sanhi ang napakatinding init ng panahon ng long-term health at developmental issues sa mga bata lalo na sa mga sanggol.
Kailangan aniyang ituloy ang pagpapalawak ng access sa maternal at childbirth services lalo na sa mga malalayo at mahihirap na lugar.
Facebook Comments