Kaligtasan ng bawat bikers, tiniyak ng Angkas sa Pamahalaan

51

Nangako ang motorcycle hailing service na Angkas na makikipagtulungan sa Pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng bawat bikers.

Ito ay matapos aprubahan ng National Task Force against COVID-19 ang barrier design para sa mga motorsiklo para maiwasan ang pagkalat ng sakit.


Ayon kay Angkas Chief Transport Advocate George Royeca, nagpapasalamat sila sa NTF maging sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa mabilis na aksyon hinggil sa public transport safety sa gitna ng pandemya.

Ang backpack shield ay nagsisilbing barrier para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Aniya, gawa ito sa high-density plastic, magaan at madaling linisin at i-disinfect.

Maituturing itong dagdag na extra layer ng protection bukod sa pagsusuot ng helmet, face shield at face mask at paghuhugas ng kamay.

Facebook Comments