Kaligtasan ni Pangulong Duterte, mananatiling prayoridad – Malacañang

34

Iginiit ng Malacañang na mananatiling prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ipagpaliban ang kanyang Talk to the People Address kahapon.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iuurong ang kanyang public address sa susunod na linggo.

Dagdag pa ni Roque, kailangan ding ikonsidera ang kaligtasan ng mga staff ng Pangulo.

Ang huling public address ng Pangulo ay noong March 29 sa Malago clubhouse sa loob ng Malacañang.

Facebook Comments