Kaliwa’t kanang pagkilos kasabay ng Araw ng Kalayaan kahapon, naging mapayapa —PNP

Generally peaceful ang mga isinagawang pagkilos ng mga militanteng grupo, kasabay ng Araw ng Kalayaan kahapon, June 12, 2025.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PNP PIO) Chief PBGen. Randulf Tuaño, walang naitalang untoward incident ang kapulisan.

Sinabi pa ni Tuaño na lima ang namonitor na rally ng PNP sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang dito ang welga sa Boy Scout Circle Brgy. South, Quezon City, National Library sa bahagi ng TM Kalaw Avenue Ermita, Manila, EDSA People Power Monument sa Camp Aguinaldo, Quezon City, Brgy. Binakayan, Kawit Cavite at sa Gaisano Metro Colon, Brgy. Sto Nino, Cebu City.

Sa monitoring ng PNP, pagkatapos magprograma at maghayag ng saloobin ng mga progresibong grupo ay payapang umalis ang mga militante.

Una nang ipinakalat ang nasa halos 11,000 mga pulis para tiyakin ang seguridad sa iba’t ibang aktibidad kasabay ng ika-127 taon ng Araw ng Kalayaan ng bansa kahapon.

Facebook Comments