KALMA | AFP, klinaro na walang malakihang pagkilos ang militar

678

Manila, Philippines – Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na normal lamang ang namataang pagkilos ng mga tangke ng militar na ikinaalarma ng ilang netizen.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, walang malakihang pagkilos sa pwersa ng militar at bahagi lamang ito ng kanilang routine movements na maayos na na-coordinate sa mga kinauukulan.

Nanawagan naman ang militar sa publiko na maging mahinahon at huwag magpadala sa mga kumakalat sa social media lalo na sa mga maling impormasyon.

Facebook Comments