Kalsada papuntang diving spot sa Masbate, tapos na – DPWH

33

Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na tapos na ang ginagawang kalsada sa Sitio Tacdugan ng Barangay Baahanglad, San Jacinto, Masbate.

Ayon kay Villar, ang nasabing kalsada ay two-lane junction national road na may habang 5.97 kilometers.


Aniya, magbibigay serbisyo sa mga turistang pupunta sa tanyag na diving spot sa bansa, ang “Manta Bowl, isang Manta Ray Sanctuary sa Ticao, Burias Pass hanggang Ticao Island Resort.

Hindi lang aniya ang turismo at agrikultura ang makikinabang dito.

Pwede ring magsagawa rito ng wellness at fitness activities tulad ng jogging at biking.

Maliban dito, nagsagawa rin ng off-carriageway concrete pavement, drainage at slope protection structures at installation ng lighting facilities sa lugar.



Facebook Comments