KALUSUGAN AT NUTRISYON NG MGA BATA AT MATATANDA SA DAGUPAN CITY, MAHIGPIT NA TINUTUTUKAN

Mahigpit na tinututukan sa mga barangay sa Dagupan City ang kalusugan at nutrisyon ng mga bata at matatanda bilang pagtugon sa malnutrisyon.

Sa Brgy. Bonuan Gueset, patuloy ang monitoring sa timbang ng mga bata, pagbibigay ng mga bitamina at deworming upang matiyak na magkakaroon ang mga ito ng malusog na pangangatawan.

Sa Barangay Herrero-Perez, nagsasagawa ng regular na pagbisita ang mga Barangay Nutrition Scholar sa mga kabahayan ng matatanda upang matutukan ang kanilang mga kalagayan at kalusugan.

Kadalasan umano sa mga dumudulog na matatanda ay iniinda ang sakit sa katawan at maging ang pag-momonitor sa kanilang blood pressure.

May sapat naman umano silang suplay ng gamot at mga bitamina na nagmumula sa Department of Health na inilalaan para sa mga residenteng nangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments